Friday, February 10, 2006

Bintana




naka tingin ako sa malayo

habang sa may bintana'y nakaupo

dungaw ay umaabot sa ibayo

habang nangungulila sa bawat akap mo.



parang kahapon lamang kasama ka

ngunit bakit ngayo'y namimiss na kita

hinahanap ka't nais makita

ako din kaya'y naaalala?



nananangis itong aking puso

parang ngang guguho yaring mundo

nais laging nasa piling mo

tila mamamatay pag di nagtagpo



mata'y nakatingin sa kawalang

hinahabi bawat tinig na mapakikinggan

umaasang boses mo'y maulinigan

nang mapawi yaring kalungkutan



mahal ko, asan ka na?

ano kaya ang iyong ginagawa

heto ako nagiisa't walang kasama

sa tabing bintana, iniisip kita



bintana, sari-saring namamasdan

ngunit ba't ang mahal ko'y di matagpuan

nais lamang muli syang masilayan

nang kumalma itong aking isipan

0 Comments:

Post a Comment

<< Home