Friday, February 10, 2006

Yakap




AKO AY NAGBALIK
SA INIT NG IYONG YAKAP
PARANG IBONG SABIK SA IYONG PUGAD

DINANAS KONG LUNGKOT

NANG KITA'Y AKING IWAN

AY DI PA DINANAS NG SINUMAN



AKO AY NAGsBALIK

AT MULI KANG NASILYAN

HINDI NA 'KO MULI PANG LILISAN

DAHIL KUNG IKAW ANG YAKAP KO

PARANG YAKAP KO ANG LANGIT

AT YAKAP KO PATI ANG IYONG NGITI



TAMIS NG 'YONG HALIK

WALA NG KASING INIT

YAKAP PA RIN DITO YARING ISIP





AKO AY NAGBALIKAT MULI KANG NASILAYAN

HINDI NA 'KO MULI PANG LILISAN

DAHIL KUNG IKAW ANG YAKAP KO

PARANG YAKAP KO ANG LANGIT

AT YAKAP KO PATI

ANG 'YONG NGITI....

Bintana




naka tingin ako sa malayo

habang sa may bintana'y nakaupo

dungaw ay umaabot sa ibayo

habang nangungulila sa bawat akap mo.



parang kahapon lamang kasama ka

ngunit bakit ngayo'y namimiss na kita

hinahanap ka't nais makita

ako din kaya'y naaalala?



nananangis itong aking puso

parang ngang guguho yaring mundo

nais laging nasa piling mo

tila mamamatay pag di nagtagpo



mata'y nakatingin sa kawalang

hinahabi bawat tinig na mapakikinggan

umaasang boses mo'y maulinigan

nang mapawi yaring kalungkutan



mahal ko, asan ka na?

ano kaya ang iyong ginagawa

heto ako nagiisa't walang kasama

sa tabing bintana, iniisip kita



bintana, sari-saring namamasdan

ngunit ba't ang mahal ko'y di matagpuan

nais lamang muli syang masilayan

nang kumalma itong aking isipan

Kung ibig mo akong makilala





Kung ibig mo akong makilala,

lampasan mo ang guhit ng mahugis na balat,

ang titig kong dagat—

yumayapos nang mahigpit sa bawat saglit

ng kahapon ko’t bukas.


Kung ibig mo akong makilala

sunduin mo ako sa himlayang dilim

at sa madlang pagsukol ng inunang hilahil,

ibangon ako at saka palayain.


Isang pag-ibig na lipos ng lingap,

tahanang malaya sa pangamba at sumbat

may suhay ng tuwa’t ang kaluwalhatia’y

walang takda—

ialay mo lahat ito sa akin

kung mahal mo ako’t ibig kilalanin.


Kung ibig mo akong kilalanin,

sisirin mo ako hanggang buto,

liparin mo ako hanggang utak,

umilanlang ka hanggang kaluluwa—

hubad ako roon: mula ulo hanggang paa.


ni Ruth Elynia S. Mabanglo













Friday, February 03, 2006

Kung Papalarin Ka



Kung papalarin ka
Makikita mo siya
Mamayang gabi.
Maghintay ka sa lilim
Ng puno ng akasya.

Itaon mong papalitaw
Ang unang bituin
At malapit nang pumatak
Ang unang natuyong dahon
Ng pinakamahabang sanga
Ng puno ng akasya.


Kapag handa na,
Ipinid ang iyong mata,
Bantayan mo ang hihip
Ng mainit-init na hangin.
Maaring iyon na
Ang kanyang hininga.


Huwag kang mumulat.
Hintayin mong lumamig
Ang hihip ng hangin
Hanggang mamasa-masa na
Ang talukap ng iyong mata,
Hayaan mong antukin ka
At maidlip nang bahagya,
O mahimbing kaya.


Gigisingin ka na lamang
Ng dampi ng kanyang labi
Sa nanunuyo mong labi.


At kukunin niya
Ang iyong mga kamay.
Isasama ka niya
Sa pinakamahabang sanga
Ng puno ng akasya,

At pipitasin ninyo
Ang unang natuyong dahon
Na hindi pa pumapatak,
At ihahandog ninyo ito
Sa unang bituin
Na malapit nang lumitaw,


Kung papalarin ka
Mamayang gabi.


[ni ROFEL G. BRION]




Used with permission

Copyright © 1989 Rofel G. Brion



Luha sa Pangarap


dapat ko bang iyakan
ang luha ko kaya'y
nararapat na ibuhus sa paghihinagpis

marahil isa itong kahunghangan

minsan naisip mo ba
kong bakitsa isang tulad kong
laging iniiwan
isang dagok
ang iyong katahimikan.

subalit bakit mo ako pinaasa


na kaya kung abutin ang langit at
kaya kung tawirin ang dagat
kung gayung wala kana...
at narito ako...

na di makahakbang papapalayo...
sa nangangalit na alon
ng akingpagkasiphayo.

dapat ka bang iyakan at
ibuhos ang mga luha kong umaagos
na kulay dugo...

[para kay NAPOLEON]